Wednesday, August 31, 2005
Gudbay.
Babay na nga ba sa Filipino entries dahil tapos na ang Buwan ng Wika? Haha. Actually, sa blog na ito, oo. Kailangan ko na rin kasing i-praktis ang English-ispokening ko para hindi ako maiwanan. Otherwise, patay ako sa CW 10. LOL. Sa isang blog ko, tuloy pa rin ang aking pagsusulat sa Wikang Filipino. Pero bahala na lang kayong maghalungkat ng net sapagkat ang blog kong iyon ay maraming Friends Only entries.
Ang saya koooo. Nakita ko kanina si Jo sa libe. Haha. Laking gulat ko talaga nang siya'y aking makita. Akala ko nga hindi siya eh, pero tinawag ko pa rin. Nanuod din kasi sila nung Bayanihan thingy. So ayun, konting chika-chika at umalis na rin kami.
LAUGHTRIP ITONG POSER NA 'TO!: http://profile.myspace.com/index.cfm?fuseaction=user.viewprofile&friendID=21507014&Mytoken=20050831062353
Ginamit na nga pictures ko, pati blog entries ko sinusulot! Ginawan pa ko ng boypren na kamukha ni Alkaide. Nakakatawa yung mga minomodify niya. ARGH. At feel na feel pa niyang may mga posers daw siya. Come on. Ano baaaaa?! Get a life!
Hindi ako makakauwi sa weekend. May praktis ang grupo namin sa practicum sa Sunday. May exam ako sa Lunes. Papaano na ang birthday ni Margot? Ipopostpone na lang daw namin ang celebration sabi ng nanay ko. Oh well, sige na nga. Ang sama sama sama talaga ng timing.
Langya. Hindi pumasok ang prof namin kahapon sa Math 17. At siyempre, na-heighten ang anxiety ko tungkol sa results. Shucks naman. Bukas na talaga namin malalaman. Kinakabahan na naman ako.
Mahaba-haba ang usapan namin ni Lord mamaya.
Tuesday, August 30, 2005
Ngayon ko lang na-realize...
...na humigit-kumulang 72% pala ng mga taong nakaengkwentro ko sa buong buhay ko ay tinrato ako nang mabuti. Mula sa aking pamilya, mga kaibigan, mga online buddies, kakilala, kaklase, mga Manong at Ate, mga di kilalang bata, at marami pang iba. Bigla ko tuloy na-conclude, ang sarap pala talagang mabuhay.
Magmahalan na lang sana lahat ng tao lagi. Mas masaya siguro kung ganun diba? ;)
At sana rin po'y masuklian at nasusuklian ko ang kabutihang ipinakikita ninyo. Mahal ko rin po kayo. :)
Monday, August 29, 2005
Ibang klaseng weekend.
Jusme, ang sama ng itsura ko paggising ko kanina. May eyebags na nga, nagmumugto pa ang aking mga mata. Kumusta naman ang chinita?
Ibang iba ang weekend ko. (YESS, WALANG PASOK NGAYON.) Lahat ata ng feeling ay naramdaman ko. Pagod. Puyat. Pagkauyam. Pagkalungkot. Pagkagalit. Pagkasaya. Pagka-miss. LAHAT.
Noong Sabado ay nag-medical/dental mission kami sa Payatas 3. Hindi ko alam na kelangan palang naka-puti dahil hindi ko naabutan yung naka-post sa nook. So well, nagyellow lang naman ako. Mabuti na lang hindi pula! LOL. Nakakatuwa at napakalugod kaming sinalubong ng mga tao. Naalala ko, pagpasok sa multi-purpose hall or whatever you call that, at dala-dala ko ang isang kahon ng gamot, ay para akong pulitikong naka-plaster ang ngiti. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa pagkitang lahat ng tao'y sinasalubong ka ng ngiti at may ilang mga ale na nagsasabing Good morning, tuloy kayo. Nakakagaan naman talaga ng loob. Kaya todo work naman ako sa Pharmacy area. Hanap dito, hanap doon ng mga gamot. Ang saya. Pero nakakapagod. Uphill at downhill lang naman ang lugar. Actually nadulas ako nung dinadala namin yung cooler pero hindi naman natuluyan. Haha. Go, Ches. Pagkatapos nun ay pawis na pawis na kami ni Ate Peyt. Jusme, wa-poise talaga! (As if naman may poise na 'ko dati pa diba?) Pagkatapos nun ay nagdaan kami ng Philcoa. Bumili ng saging at sabon si Ate Peyt at ako naman ay bumili ng Meijis. =D
Hindi ako sa apartment umuwi nung Sabado sapagkat nag-weekend-off si Ate Pam. Napunta kami ni Lucky sa pamamalaga ni Papa Boy at Mama Babes. Bilib ka, hindi ako nag-Internet for one whole day! WAAAA! Nagreview na lang ako at nag-Bingo. Eto ang weird na nangyari nung isang gabi. Maaga akong natulog pero pagpasok ni Ate Keng sa kanyang kwarto ay bigla akong umupo at eto ang sinabi ko:
Ako: Ate Keng, alam ko na yung number na naaalala ko pag nakikita kita.
Ate Keng: Huh? Ano?!
Ako: Number 10. (Nag-iilusyon actually ako nung may number 10 nga sa tabi niya.)
Ate Keng: Iska?!
Ako: Huh? Ano ba naman 'tong pinagsasabi ko? Good night. (Sabay higa at natulog. WEIRD.)
Hindi lang actually yun ang isang kawirdohan ko eh. Sabi ni Ate Keng ay madalas daw akong mag-mumble pag natutulog. Hmmm. Bakit kaya?
Kahapon naman ay nagshopping ako. Gahd, kinailangan ko na talagang magshopping! Kasama ko ang aking nanay at si Ate Keng. Yihee, nag-Mexicali kami. I laaaab Mexicali! ;) At nabili ko na yung How To Be Lovely: The Audrey Hepburn Way of Life. YEEEESSSS! Nakaka-inspire talaga si Audrey, pramis. ;)
Sobrang namiss ko ang aking nanay ha. Kahit last week lang din naman kami nagkita. At mukhang hindi ako makakauwi sa kaarawan ng aking anak na si MARGOT. Huhuhu. Magba-Baguio pa naman sila ng Sabado't Linggo. As if naman makakareview ako para sa aking mga exam diba? Hay. To Baguio or not to Baguio? Sheet. Kalungkutan. :(
Kagabi naman ay nagalit ako nang sobra sobra. Hindi ako madaling magalit pero once nagalit ako, ibang usapan na. Mabait ako kung mabait pero hindi po ako nagpapaapi. Kaya naman pagkagising ko ay may eyebags na nga ako, nagmumugto pa ang mga mata ko. Yes naman. Ang ganda biglang pagtripan ng mata ko. WAHAHA.
Sana wala na lang din ulit pasok bukas. Tsk tsk.
At sa mga nagcomfort sa akin kagabi, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. =D
Friday, August 26, 2005
I'm a big girl now...
...NOT!
Bago ako magsimula, gusto ko lamang batiin ng HAPPY SEMI-BIRTHDAY si CLAUDIOPAYOKABAYO!!! Bukas pa talaga ang birthday niya pero trineat niya kami kanina sa Yellow Cab kaya semi-birthday niya. =P
WAAAA! YESS! Nag-survive ako sa pagtawid ng overpass sa Philcoa! Sobrang holdaphobic pa naman ako. LOL. =P Take note, ako lang mag-isa ha? From celebration kasi ni Clauds ay nagtungo kami nina Joy at Rhea sa Philcoa at doon na kami naghiwa-hiwalay ng landas. Salamat pala kay Shobe sa paghatid sa amin dun! ;)
Clauds, sorry at maaga akong umalis ha! Mag-isa lang kasi akong uuwi eh! Happy semi-birthday ulit! =D
Astig. I actually enjoyed CW 10 class today. Akala ko pa naman wala na naman akong masasabi. Wala lang. Ang saya saya saya lang at maganda ang mood ni Ms. Roldan. PLUS, hindi kami binagyo ni Mico nung papunta kami ng CAL! =D
WALA KAMING AERODANCE TODAY! Actually nag-usap-usap lang kami ng groupmates ko sa finals. Kalokohan ang gagawin namin, I swear. =P Maaga kaming natapos at nag-siopao muna kami ng aking lunch buddy. Sayang, naubusan kami ng siomai! GRR! I super love siomai pa naman! Kung bibili kayo sa gym, dun kayo sa pangalawa, yung mas hindi nakikitang tindahan. Taga-Pangasinan yung Manong na yun at naalala ko, kinausap pa niya ako nang Pangasinan nung sinabi kong galing akong Dagupan. =D
Kain ako nang kain today! Nag-siopao ako tas pag-uwi ay naglunch ako. Ang sarap pa ng kain ko nun ah! Medyo napakyaw na naman ang isang bowl ng kanin. Maya maya ay nag-Yellow Cab naman kami. Kumusta naman ang growing kid? LOL. =P
Bigla kong naalala ang isa pang ND (nonsensical dream) ko. Mamayang 12:30 kasi ay magpapakita ang Mars diba? Eh naaalala ko dati sabi ko gusto ko na sa kauna-unahang pagkakataon kong makakita ng shooting star ay may kasama akong special someone. Tss. A-S-A P-A K-O. =P Sheeet. Gusto ko ng TELESCOPE! =D (Weird talaga akong magwish!)
Napapangiti di ko alam ang dahilan
Alam kong hindi pepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng.. ang ikot ng mundo
Ang ganda nito. Haha. Isa ito sa mga kantang matagal ko nang gusto pero hindi ko alam kung sino ang kumanta at kung ano ang title. Ewan Ko pala ito by Soapdish! Haha. Ayun. Si Ein ang nagrekumenda sa akin nito eh. Hangganda 'no?! Adik na ko. Weheh. Ganda ganda. =D
Medical mission pala bukas ng Psych Soc. Sana lang ay magising ako on time bukas sapagkat magpupuyat ako mamayang gabi para makita ang Mars! =D
Sige. Tama na nga ito. Ang dami ko na masyadong iniisip. Actually may exams, etc pa ako next week. Never na atang matatapos ang kabisihan ko. Tsk tsk. Goodness, I really need a break!
Vanity Trivia: I lost 2 lbs.! Haha. Balik ako sa 98 lbs.! Woohoo! At feeling ko ay tumangkad ako! :P
Monday, August 22, 2005
Red Bull, mahal na kita!
Okey na sana ang araw ko. Okey na sana talaga.
Mabilis kong natapos ang aking seatwork sa Math 17 at ang lakas ng kutob kong perfect yun. Kaso nga lang, nung sumunod na class (Soc Sci 2), binagsak ko ang quiz by 0.5 points dahil hindi ako nakapagreview para rito. Kinain lang naman kasi ng Anthro 10 ang buong weekend ko. Sabi ni Girlie nung asa Dagupan ako since napansin niyang buong maghapon ay nakaupo lang ako't nagrereview: Ayoko nang mag-college sa UP, ganyan din gagawin ko! Ang kyut noh? Kumbinsidong kumbinsido tuloy ang aking mga magulang na ako'y tunay na nagpapakadalubhasa.
Anyway. Leche yung Anthro 10 midterms. Hindi ko masyadong dinibdib yung mga definition at explanation sapagkat akala ko'y panay identification, matching type, enumeration, etc. lang naman siya. Laking gulat ko na lang nang isulat ni Prof Jocano ang 20 terms sa white board gamit ang kanyang red marker na terno sa kanyang red shirt. I-define daw namin ang bawat isa for two points at i-explain naman for three points. Kumusta naman ang isa't kalahating oras? Sabay kanta ng "I can't get no... grade of UNO... sa tono ng I Can't Get No Satisfaction. Winner talaga yang si Sir sa pang-asar. Parang hindi na nawalan ng isang personality na katulad ng tatay ko sa aking paligid.
Hindi lang po yan. Since malakas ang tama ng Red Bull at hindi naman ako coffee person, nanginginig-nginig akong nag-exam. Pagkatapos ng exam ay nangingisay-ngisay naman na 'ko. LOL.
SUBALIT hindi pa natuwa si Kamalasan sa panggagantso niya sa akin. Sa loob ng CASAA ay sinapit ko ang unang unang physical pambabastos na naranasan ko sa buong buhay ko. Sana talaga'y sinapak ko na ang gago. Pagpasok pa lang namin ng CASAA ay napansin ko nang kanina pa ako binabangga nung isang guy na naka-sleeveless na gray at body bag. Hindi pa nakuntento ang gago. Pagpila ko para bumili ng C2, naramdaman kong may dumaplis sa aking gluteus na hindi man lang naggrow to its maximus. Pakshet, iba na talaga yun. Hindi na tama yun.
Since ayokong mag-eskandalo at sinabi ko naman na sa sarili kong once ginawa pa niya yun ulit ay sasapakin ko na talaga siya, tumakbo na lamang ako kina Kuya Drew at Ate Fao, at sinamahan naman ako ni Kuya Drew. Actually binunggo na naman ako nung weirdo pero as in umiwas ako. Subalit sinundan niya pa rin kami. Buti na lang ay magaling kaming lumusot. Shet. Hinding hindi na mangyayari ulit yun. Sasapakin ko na talaga yun next time!
Naiiyak na talaga 'ko kanina pero napigilan ko. Malaking accomplishment po para sa akin ang mapigil ang aking mga luha. Sa susunod talaga ay lalaban na ako. Kaya kayo, mag-ingat kayo sa CASAA!
Bagamat todo badtrip ako pagkatapos ay bumalik na naman ang aking pagka-hyper sa Span 10. Pinilit ko si Mark na mag-recite kami for 5 stars... Yess! Anim na estrella na lamang ay buo na ang 20% ng greyd ko! Haha. Ayun. Son las seis y catorce de la noche. Eso es nuestro nuevo leccion! =P
Huwaw. Bilib din ako at nakaya ko ang araw na 'to. Naitawid ko ang paswing-swing na tulay ng acads kanina. Nakayanan kong hindi iyakan ang pambabastos. Nakayanan ko rin ang pagsesermon nina Mico, Mia, at Shobe kanina tungkol sa estado ng aking lablayp kanina. Weheh. Ma-pride daw ako. Masyado raw hard-to-get. Wateber, dood.
RED BULL, aylabyu. Sinagip mo ang buhay ko!
Anakngtinapay, caffeine rush!
WAAAAA! Tama si Kuya AJ, hindi ko kailangan ng Red Bull para makapag-aral nang madaling-araw! At ngayon sa super liit na bagay, nanginginig ako sa pagkainis! AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!
Anthro 10 midterms na mamaya. *At lalo akong naging nerbyosa* Hindi pa nakuntento eh, may semi-long quiz kami sa Soc Sci 2. Ako na yata ang pinakamalas na tao pagdating sa sked ng exams/quizzes. Hindi rin naman halata, diba?!
Huwaw. Sana naman ay hindi ako maging psychotic mamaya dahil sa pesteng Red Bull na ito. In fairness, ang sarap ng lasa niya! LOL. Pero oh no talaga, iba ata ang tama nito sa akin. Tsk tsk.
Haaaay. Gusto ko nang panindigan itong pagiging masipag sa pag-aaral. Gusto ko ng matataas na grades. (DUH!) Gusto kong pumasok sa UPCM. Gusto kong maging doktor... at sisikat ako sa Hollywood! =P
Anakng. Nanginginig na mga daliri kooooo! Saklolo!
Sunday, August 14, 2005
A different kind of love*
I don't love you as if you were the salt-rose, topaz
or arrow of carnations that propagate fire:
I love you as certain dark things are loved,
secretly, between the shadow and the soul.
I love you as the plant that doesn't bloom and carries
hidden within itself the light of those flowers,
and thanks to your love, darkly in my body
lives the dense fragrance that rises from the earth.
I love you without knowing how, or when, or from where,
I love you simply, without problems or pride:
I love you in this way because I don't know any
other way of loving
but this, in which there is no I or you,
so intimate that your hand upon my chest is my hand,
so intimate that when I fall asleep it is your eyes
that close.
~ Sonnet XVII by Pablo Neruda ~
Eversince I read this poem in my CW 10 class, I could not forget about it. The shadows of its symbolism haunt my fragile, broken soul every now and then. The more I closed my doors on talking about love, the more it recurred.
Sonnet XVII was most probably the product of an illicit love affair, thus the darkness. It is wrapped in secrecy yet it still manages to convey such strong emotion.
As I read this poem, I hear a young man speaking to me. He speaks softly, whispering the words as if his mouth was a single centimeter away from my ear. I suddenly feel somone caressing my hair with his right and holding my hand with his left, our fingers intertwined. We find comfort in a room no one else knows of, not even my lover. Our love is so strong yet it could never be and it should never have been. Still, our worlds revolve around each other. I am incomplete without him, and he without me.
Again, I am inspired. I am again in love with the thought of loving--of having someone to take care of, of having someone dream of and dream with, of having someone to share the deepest, darkest tenets of my soul with.
Then again, I do not want to situate myself in something like that in Sonnet XVII. I want the same guy who'd do the same things minus the idea of the illicit love affair, of course. ;)
But most of all, I long for a different kind of love*. =P
Saturday, August 13, 2005
Prinsipyo.
Kausap ko si Edison kagabi dahil gustung gusto ko nang ayusin yung hidwaan namin. Hindi naging final kung bati na talaga kami basta't ang alam ko ay natapos ang usapan namin ng Good morning sapagkat mag-aalas-tres na nun at nakapag-Thank you ako sa kanya. Napag-usapan din namin ang magkakaiba naming prinsipyo at kung papaano magkakaisa despite ang mga ito.
Sa maikling panahon ay nakalimutan ko ang mga prinsipyo ko. Sa pagcoconcentrate ko sa acads at sa application sa Psych Soc ay nakalimutan ko nang balikan ang aking mga paniniwala't panindigan. Salamat sa paggising sa akin, Ein. (Sasanayin ko nang tawagin ka sa bago mong nickname. O kaya'y Ajnfaheniagbi.) ;)
Bumalik sa aking pagkatao ang paniniwalang...
Wala tayong karapatang manghusga ng kahit na sino. Tao lamang po tayo at lahat tayo ay hindi perpekto. Sa totoo lang, I REALLY HATE LABELS. Naiinis ako dahil ang kakapal ng mukha ng mga taong bigyan ng label ang ibang kakaiba sa kanila. ALIEN. LOSER. KIKAY. (Ein, kikay is not the word. Kung gusto ninyo akong i-label, papayag ako kung colorful ang sasabihin niyo. :P) BORING.
Alien? Hindi po porket hindi ganoon ka-sociable ang isang tao at nag-eenjoy siya sa pag-iisa niya ay may karapatan na kayong tawagin siya ng ganun. Eh ano kung iba siya? Eh ano kung hindi siya ganun kadaling magtiwala? And by the way, hindi niyo alam kung ano ang iniisip nila. Sa kanilang pananahimik dumadaloy ang malalalim na idea na taliwas sa ordinaryong pag-iisip.
Loser? Tawagin mong isang loser ang tao kung may ginagawa siyang mali sayo. Kung wala, sino ka para manghusga? Losers ba ang mga nag-aajedres? Losers ba ang nanunuod ng telenovela? Losers ba ang mahilig manguha ng mga pichur (na hindi nila kinukuhanan ang sarili nila)? Think about it.
Kikay? Boring? Haha. Biased na pagdating dito. Paano mo masasabing kikay ako kung nagme-make-up lang ako tuwing may shoot o VTR? And actually, bihira lang akong pumorma. At masama bang pumorma nang paminsan minsan? Kikay ba ako dahil mahilig ako sa bright colors? Mahinhin ba akong tumawa? Mahinhin ba akong kumilos? At boring? Paano mo masasabing boring ang isang taong pag kinakausap mo ay laging seryoso ang usapin kung ikaw naman ang nagsimula ng seryosong topic? Think about it tambien. ;)
Ang kulit, sobra. Kaya mga tao, plis lang. Pangit mag-stereotype. Astig ang open-mindedness.
Do unto others what you want them to do unto you. Golden rule po ito. Pre-school pa lang ay alam na natin ito. Nakakatawa lang na habang lumalaki tayo ay nakakalimutan na natin ito.
Oo, iba't iba nga tayong lahat. Iba't iba tayo ng point of view. Kaya nga sinasabing pagdating sa opinion, walang mali at walang tama. Kaya naman ay dapat respetuhin at intindihin natin ang isa't isa.
Hindi nga mawawalan ng pagkakaiba sa mundo. Kaya nga diba puro giyera, awayan, pagtatalo, atbp. ang umiiral hanggang sa panahon ngayon? R-E-S-P-E-C-T each other. Yan ang susi sa kapayapaan. ;)
Lahat ng bagay ay may dahilan. Kaya naman ay dapat kilatisin muna natin ang isa't isa bago mag-conclude tungkol sa pagkatao ng isang, well, tao. Kung bakit si Ganyan ay masungit ay marahil dahil mayroon siyang problemang pinapasan at malamang ay kailangan lamang niya ng karamay. Kung bakit si Ganito ay mapanghamak ay marahil dahil siya ay isang napaka-insecure na tao at ang panlalait at paggawa ng masama sa iba ang tangi niyang outlet. Kung bakit si Ganoon ay sensitibo ay marahil dahil punung puno na siya ng emosyon na kinikimkim. Laging may rason sa likod ng bawat ugali o gawain. Alamin bago mag-conclude.
Hindi masama ang makipaghalubilo sa iba. Ito ang dakilang turo ni Ein. How ironic. LOL. Hindi naman sa isnabera ako o ano. May dahilan kung bakit hindi ako ganun ka-friendly. Sa katunayan ay madali akong magtiwala sa mga tao dahil unfair naman sa kanila kung sa simula pa lamang ay pinagdududahan ko sila. Actually friendly ako pero hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko. Nakakahiya kasi na sa dami ng blockmates namin sa N11 ay hindi ko maalala ang kanilang mga pangalan. At dahil ganun ay nahihiya akong lumapit. Pero hayaan mo Ein, susundin ko yang payo mo. ;)
Marami talaga akong natutunan kagabi.
Wow, bumabalik na ako sa tamang pag-iisip! ;)
Monday, August 08, 2005
Epekto ng puyat.

Maganda pala ako pag nagkukunwaring tulog. Kumusta naman ang ka-epalan? Mabuti naman at naihabol ko ang aking problem set sa Math 17. Iniurong sa Huwebes ang submission subalit may extra points yung mga naunang mag-pass. Maraming salamat pala kay Kuya AJ na natulungan ako sa pagsagot. At hindi lang yun. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ako umupo sa harap. Sa halip ay umupo ako sa second to the last row katabi ni Shobe at kami ay nagsolve at hindi nakinig sa discussion. Para lang maipasa nang maaga ang problem set. Huwaw. Tas midterms na sa Wednesday diba?!
Iba talaga ang epekto ng puyat. Alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog at gumising ako ng alas-sais ng umaga. O diba, hindi rin naman ako bitin sa tulog?! Kinailangan kong pumunta sa Peyups nang maaga kaya hindi na ako nag-almusal. Diretso ako sa fishball stall pagkatapos na pagkatapos ng Math. Himala, hindi kumain si Mico. LOL. Sa kalagitnaan ng Soc Sci 2 nagsimula ang tuluy tuloy na sakit ng ulo. Simula nun ay hindi na ito nawala. Shet, kelangan ko nang bawiin ang tulog ko!

Pangalawang attempt namin ni Clauds na magkaroon ng matinong pichur na magkasama. Yes naman diba? Clauds, maganda tayo pareho dyan kaya i-save mo yang pichur na yan. Minsan minsan lang tayo nagkakaroon ng pic na hindi mukhang bangag yung isa eh.
Haaay. Ang saya ng may friends. Not that wala akong friends dati. Wala lang. Ngayon ko lang ulit na-realize. Alam mong may katuwang ka sa mga bagay sa labas ng iyong lovelife, as if meron ako. At sila rin mismo ay may sari-sariling problema at natutuwa ka tuwing nakakapagbigay-payo ka. Ang sarap ng may nakangiti (nang totoo) na babati sayo tuwing nakikita ka nila. Mararamdaman mo naman kung kaplastikan yun at kung hindi eh.
Ay. May sinabi pala ako kay Ian. Silang dalawa lang ni Rhea ang nakakaalam nung sikretong yun. Tagos eh. Alam kong tama naman ang reason ko kung bakit ako umaayaw. Tama naman ako, diba? Oh well. Basta. Tama ako. :P
Paano ba yan, midterms na namin sa Math sa Miyerkules. Good luck sa akin diba? Dapat siguro ay nagpa-praktis na 'ko ulit. Kaya't, sige. Babay na. Kelangan nang magbawi ng tulog ng lokarette na ito. ;)
Wow, umaga na!
Puyat na naman ako. Hindi ko pa nababawi ang tulog ko subalit heto na naman ang panibagong bagay na kailangang pagpuyatan. Ay, good luck sa akin bukas at maaga akong papasok para mangolekta ng pupuno sa mga blangko ng answer sheet ko sa problem set. =P
Bumaba ako kaninang umaga sa NAIA nang naka-pajama lang at T-shirt. Kung anong pinantulog ko kagabi ay ang suot ko habang ako'y nagbeso at umakap sa aking mga magulang at kay Mommy. Nakakatawa nga nung ginising ako ng tatay ko eh, nagpabuhat ako as a sign of paglalambing. And guess what? Binuhat ako! Wala lang. Miss ko nang maging bata. Mamimiss ko ang pangungulit nila sa cellphone ko. Tatlong araw din yun! Flight nila kanina papuntang Bohol. Too bad at hindi na pwedeng daanin sa excuse letter ang mga prof sa kolehiyo. Kaya nga miss na miss ko na ang hayskul.
At speaking of hayskul, nag-Starbucks Katips kami kanina ni Daryl , isa mga hayskul buddies ko. Nagpatulong siya sa English paper niya tungkol sa Peyups at ako naman ay nagpatulong sa aking lintik na problem set. Hindi rin niya ako masyadong natulungan sapagkat hindi rin kinaya ng Atenean powers niya ang Math 17 ko.
Subalit ang aking kaibigan ay hindi pa nakuntento sa interview lamang. Pinilit niya akong samahan siya sa Peyups. Hangganda naman ng timing noh, kung kelan pa UPCAT! Pero sige, pinagbigyan at inikot namin ang Acad Oval. Hindi lang yun, pinasok pa namin ang SC. Meron bang ganyan sa Arneo? Haha. At na-amaze siya sa presyo ng Chocnut sa Coop. Sayang, hindi bukas yung isawan sa may Balay Kalinaw!
Ay, nabanggit ko bang may ride ako hanggang Tuesday habang asa Bohol ang aking mga magulang? Iiwan lang naman sa akin yung van. Wala lang, masaya lang! ;)
Naku, sana naman ay mapunan ang mga blangkong numero dito sa problem set ko. Ilang gabi ko na itong pinuproblema ha. Paano naman kasi, gusto kong makakuha ng mas mataas pa sa tres... kung makakuha pa ako ng tres!
At grabe, umaga na nga! 1:41 AM na dito sa aking taskbar at mukhang matagal-tagal pa akong mananatiling gising. Gagawa pa ako ng homework sa Span 10 at magrereview naman ako sa Soc Sci 2. Wow, ang sipag ko. Ang sabihin niyo, ang galing kong mag-cram! :P
Teka. Alam ko na kung bakit hindi ako inaantok.
Gutom na naman ako.
*sabay isip kung bababa at kukuha ng pagkain sa ref*
Thursday, August 04, 2005
24.
Owmaygash. Ang labo nitong araw na ito. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malulungkot. Pakshet, TULONG!
Una, mukhang bagsak na naman ako sa Math. Shet, bat ganun? Nagpa-praktis naman ako. Nakikinig naman ako. Never pa naman akong umabsent. Pero bakit ganun? At ito pa, nadaanan namin ni Clauds yung listahan ng mga US at CS kanina at sinilip namin ang average ni Lolo AJ. 1.323 lang naman. Kelan ba ko makakatikim ng ganun? Sige, GC na kung GC. (Mag-aral naman ang pinunta ko sa Unibersidad, diba?) WAAAAA! Tres lang talaga, tres lang, Ms. Deita at forever ko nang ikatutuwa!
So ayun. Para labanan ang stress, ako'y sinipag mag-VTR. Masipag naman talaga ako eh, bisi lang talaga sa pag-aaral kaya hindi ako nakakapunta. At alam niyo bang chinika kami ng taxi drayber sa aming byahe papuntang Makati? Kinuwento lang naman niya ang lablayp niya sa ngayon at nagpatext pa sa girlfriend niya kasi kelangan na kelangan na raw niyang i-text. Kami naman ng yaya ko ay todo bigay ng payo sa kanya. Naku, tama lang naman na iwan niyo yun, manong! Tama na! With matching facial expressions pa kami. Yehey. Medyo kinilabutan nga lang ako sapagkat kinuwento pa niya ang mga detalye ng kanilang intimacy. Yak. =P
Ayan. VTR na. Isa na naman ito sa mga walang kwentang VTRs as I like to categorize them--meaning, walang kwenta dahil nangibabaw ang kaba ko. Shet, lagi naman kasi akong kinakabahan eh. 'Lang kwenta. At guess what, nakasabay ko yung isang ka-workshop ko noon sa ABS sa Voice, si Ate Apple! Ang saya. Ang kulit pa nung mga pinagawa sa amin, feeling ko PEP Week all over again.
Nag-Starbucks kami ni Ate Pam kanina. Yehey, nakapag-Green Tea frap na naman ako. :)
At ang badtrip part ay ang pagtatanong ko sa sarili ko: Mali ba na pakawalan ang isang taong alam mong hindi mo naman masusuklian ang pagmamahal sayo? Oo, mahal-slash-minahal ko siya. Pero hindi ko ito kayang-slash-pwedeng ipakita. Try agen siya in four years kung kakayanin. Kung hindi, sorry na lang. Hindi pa ko legal sa magulang ko eh. Shet, mali ba ako?
Balik sa masaya. Nakuha ko na si Lucky. Siya lang ang kaya kong mahalin sa ngayon. Ang kyut niya! Nanginginig-nginig pa siya kanina pero medyo nag-warm up na siya sa akin. Aww. Dinidilaan na nga niya kamay ko eh. Weeee! At least ngayon alam ko nang mayroong nagmamahal sa akin. Diba, Lucky?
Sa loob ng isang araw lamang ito nangyari. Ang kulit diba? ;)
