Friday, August 04, 2006

Friday's happiness.

Happiness 'tong araw na 'to kahit maraming kapalpakan!

Matapos kong magpuyat hanggang 3:00a kagabi para matapos ang aking Stat homework, nakapagbreakfast ako kaninang umaga ng kape (at sirang adobo sandwich na nakalahati ko na nang marealize kong sira na pala) dahil binigyan kami ng oras para tapusin 'yun.

Nag-Beach House kami nina Karen, Shobe, Clauds, at Meg (at si Micong umalis agad). Whoooo kumusta naman ang naglunch pa pagkauwi. At nakatulog nang halos dalawang oras.

Tapos may sumagip pa sa akin mula sa isang napaka-morbid na panaginip dahil sa kanyang tawag. 'Yun pala ay papunta siya dito para dalhan ako ng 1750 calories! (Wala na, sira na ang ambisyon kong magka-super abs. At payat na hita.) :D

Feeling ko mas nagiging close na ako sa mom ko. Sana tuluy tuloy na nila akong tratuhin bilang isang adult. (Hah, whatever!)

Na-realize ko kung gaano ako kaswerte sa mga kaibigan ko ngayong college, lalo na sa moral and emotional support. Special mention sa aking reality check-er na si Clauds. Man, what would I do without you? *hug*

Sinong masaya, SINO?!

:D

***

The number of relationships you maintain and keep in your life has a high positive correlation to the degree of happiness you usually experience.

posted by Chesca @ 10:32 PM    


<< Home