Friday, September 01, 2006

In dire need of Stresstabs.

Bakit andaming may birthday ng September? Haha angst e. Tas andami pang gagawin. Bakiiiit?

***

Sinubok ng araw na ito ang aking pasensya. Dumating yung lola ko tas hindi pa namin mapababa 'tong lagnat ni Ald. Eto 'yun e, hinati na nga namin ni Ate Pam ang katawan namin para maasikaso ang lola ko at ang nilalagnat kong kapatid pero stressed na stressed pa rin kami. Buti na lang andyan sina Ate Wyeens at Kuya Wally.

***

Ayoko pang mag-bukas! Andaming gagawin. Rawr. Dapat nga natutulog na 'ko ngayon kasi 4 AM ang call time ko kay Bebe. :P E maghahanda pa akong gamit para bukas. May dalawa rin akong meeting bukas, yung sa Rock Ed at dun sa models' meeting para sa event nina Patty. At siyempre, Psychsoc rummage sale kung saan ako'y magbabantay nang dalawang oras. All in one day, beybeh.

***

Uy, 1 ngayon. Haha. Wala lang. Isang buwan na since... Pero nakakatawa. Ibang iba na ang taong nakilala niyo noong August 1. Shariiiing. :P

***

POTEK ALDRICH GUMALING KA NA PLEASE?!

***

Kagabi ko lang na-realize na may significance pala ang #13 sa buhay ko. Kala ko pa naman isusumpa ko ang malas na numerong 'yun forever and ever! :P

***

Ang ganda ng Starbucks name ko kanina wheeee! :D

"One pumpkin spice frappucino for--"

***

HAPPY BIRTHDAY KATRINA ALIGAM NA IN DENIAL NA CHINITA SIYA!

Dahil ikaw ang nagpakita sa akin na napakaliit ng mundo natin. Haha. Dahil kilala ng lola ko ang tita mo at hello, sa town pa 'yun sa Pangasinan diba? At dahil sa isang silid lang tayo nag-take ng USTET (...at nakilala mo 'ko!). At dahil isa ka sa mga una kong nakilala sa UP dahil pare-pareho tayong hindi alam kung ano ang gagawin noong enrollment.

Wala ka nang kawala. Sabay na tayong makakasuhan at makukulong ngayon! :P

posted by Chesca @ 11:29 PM    


<< Home