Friday, September 22, 2006
Patapon-prose.
Wow. Nagsisink-in na sa akin kung gaano na ka-patapon ang buhay ko.
Acads? What acads? Ang baba ng exam scores ko. Napraning tuloy ako sa sinabi ni Ma'am Sycip na may naka-below 20/60 sa aming Stat exam. ('Wag naman sana!) Ang dami ring kailangang project na simulan. Oops, wait lang, alin alin uling projects 'yung mga 'yun?
Asa'n na ulit ang acads sa priorities ko? ASA'N?!
Salamat, Sir U, sa 1.5 kong Ikalawang Kwento. Bigla ko tuloy naramdamang may silbi pa pala ako bilang isang estudyante. At salamat, Sir Daj, at 'di ka na naging madamot sa akin sa paggrade sa skill test. At least bago natapos ang Scuba, naka-perfect ako ng skill test! Hahaha at least alam kong may silbi rin ang katawan ko sa tubig. Labo mehn.
Badtrip. Nakakababa ng self-esteem 'yung score ko sa 108 exam. Ay sandali pero medyo okey lang pala kasi ano bang ginawa ko nung gabi? Tumingin sa walangyang scrapbook. Tsk. Bawi na nga lang sa mga paper, grarrr.
E sandali, bakit nga pala biglang ang GC ko? Dahil ba patapos na ang sem? Hee hee. Ay wait lang, dapat ata 'pag patapos na ang sem sumisipag ako. Medyo nadedelay lang 'yung sipag factor. Oh well.
Tanong lang, ano na bang nangyayari sa buhay ko? Hindi ko kasi alam kung may pinatutunguhan pa 'tong lahat e. Hindi ko alam kung bakit nawala na talaga 'yung drive kong mag-excel. 'Yung tipong basta pumasa lang, okey na. Basta may mapasang papel, okey na. Solve lang nang solve kahit 'di naiintindihan, okey na.
At nakakatawa dahil hindi lang ako sa acads ganito ngayon. Nagigi na akong "taong basta-basta" (ay teka, ampangit atang pakinggan nu'n)! Masyado na ata akong madaling kausap a? Masyado na rin ata akong nagpapabaya sa lahat.
Ayos naman tayo d'yan.
***
Ayaw akong payagang pa-certify ng nanay ko :(
Sabagay. Una, magastos. Sunod, delikado. At siyempre, lahat ng nanay ayaw namang nalalagay sa alanganin ang kanilang mga anak. Yes naman.
E gusto kong pa-certify sa Scuba e. Gusto ko magka-license.
Pero bakit ko ba gustong magka-license?
(Teka, mukhang dapat inuuna ko muna si Driver's License na matagal nang naghihintay na asikasuhin ko siya. Buti nga sana kung Pending na e. Pero hindi, 'di pa siya actually nakapila!)
***
Uy, buma-bounce back na 'ko. Yiii, alam mo na 'yun. Pero oo nga, seryoso, okey na 'ko. At hindi ko lang tanggap ang lahat. Masaya na ako para sa kanya, para sa kanila, at para sa sarili ko. (Lalo na sa sarili ko. Haha joke lang, ang conceited naman!) Ayun lang. Sobra pa kasi 'to sa closure na inexpect ko e. Kaya masayang masaya na ako. Bow.
***
Ang sarap talaga ng feeling na mayroong at least isang taong wala kang pinagtataguan ng kahit ano. Kumbaga para siyang toilet bowl na hindi ka jina-judge (whoo effort) sa kung anuman ang sinusuka mo sa kanya. 'Yun bang to the highest level ang self-disclosure ninyo sa isa't isa. Lahat ng nangyayari sayo, lahat ng nararamdaman mo, lahat ng gusto mong sabihin--lahat 'yun alam niya.
Tapos hinihiling mo na lang na sana hanggang sa lumipas ang panahon, ganun pa rin kayo sa isa't isa. Alam mo 'yung superdupermegakaduper closeness na mas bongga pa sa Friends Forever?
Aynako 'Day, winner.
(Pero ang ironic din dahil napaka-awkward ng sitwasyon. Yehh.)
***
Naluha ako kahapon nung nag-aasaran kami ni Clauds. May private joke kasi kami tungkol sa humps. 'Yung tipong pagnatisod ka sa hump/s ('di ba nakakatisod naman talaga?), "na-humps" ka? E tapos magmi-Mia-full sem na siya next sem habang Joy-full sem naman ako.
Clauds: Na-humps siya? (tingin kay Meg o kay Karen)
Ako: Si Clauds dati palaging naha-humps!
Clauds: Hindi kaya, ikaw 'yun e!
Ako: Hindi, ikaw!
Clauds: Hindeeee! Ikaw!
Ako: E ikaw nga lagi kong kasam--AWW, MAMIMISS KITA!!! (sabay pout, medyo naluluha na)
Clauds: AWW CHESCA! (naluluha habang tumatawa--oi Clauds, nakita ko kayang naluluha ka na nu'n!)
***
Sana bago matapos ang sem na 'to, umayos na ang buhay ko :)
***
GUSTO KO PA RIN SUMLOWDANCE!!!
