Wednesday, November 15, 2006
Paalam, aking stapler :(
'Yung salbaheng humiram ng mini stapler ko kahapon na hindi binalik sa akin, hindi na kita magiging bati forever and ever. HMPH. Tapos sasabihin ko rin sa ibang classmates nating hindi ka na rin nila bati. Tapos pag nalaman ko kung sino ka, isusumbong kita kay Sir Bio lab!!!
HUHUHUHU BIGYAN NIYO KO NG BAGONG MINI STAPLER :(
May sentimental value 'yung blue kong mini stapler nawala dahil tinulungan niya akong ipasa ang 55 units na na-take ko na sa buong college life ko so far--lalo na sa mga homework sa Math 17 at 100, mga postlabs sa Chem 16, at mga seatwork, homework, at exam sa Stat.
Hindi ko talaga matanggap... wala na si Mini Stapler. Wala na si Mini Stapler na dumaan na sa mga kamay ng mga barkada ko at mga prof na nanghiram, lumapat ng mga 1x1 pics ko sa iba't ibang index card na kinailangang ipasa.
Wala na ang tanging school supply na maipagmamalaki kong meron ako.
Moral lesson: Magdala ng gunting sa Bio lab para hindi na obligadong magpahiram ng stapler.
