Monday, March 12, 2007

Nang di oras!

A month ago, kinumusta ni Papa ang aking driving: "Okay lang mag-C5 ka pero 'wag ka munang mag-EDSA. 'Wag mo rin munang i-try mag-Circle, Commonwealth lalo."

Fast forward sa GK nung Sabado:

Athens: Yay, ang saya. Tatlong cars 'yung dala natin kaya walang magcocommute!

Chesca: So pwede ba akong makisabay sa iba na lang? Hindi ko kayang magdrive pa-Commonwealth!

Athens: Sa'yo 'yung pangatlo.

Chesca: :|

Athens: I love your expression!

Chesca: :((

So anyway, drive naman si Tita Sweet na kinakaba-kabahan pa. Pina-on ni Reyalet ang radyo habang sina JE at Bea ay todo encourage sa akin. Buti na lang at hindi naman sila nagpapanic at isang beses lang naman ako nagkaroon ng "muntikan" moment. Sa sobrang concentration ay lumampas kami ng U-turn slot at nakalampas pa sa bridge kaya naman naranasan ko ang tunay na Commonwealth with speeding buses and trucks, beyb.

At ayun, buhay pa naman kami. Akala ko pauwi ay mag-isa ako (for more HUHUHU) pero sumabay na rin sina Bea, Leni, Pau, at Richel. Mas kampante naman na ako pag-uwi dahil U-turn lang sa Philcoa ang haharapin ko.

Kaya ko na kayang mag-drive papuntang Makati via C5?

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. :|

posted by Chesca @ 9:28 AM    


<< Home